Koolbirks




Your Ad Here






Pinoy Big Brother Blah Blahs

by Birks on October 26, 2005 in Boob Tube - Email This Post Email This Post


Pinoy Big Brother…Pinoy Big Brother…puro nalang Pinoy Big Brother! Pinoy Big Brother nalang parati ang naririnig ko sa paligid ko. Sa kabilang mesa lang may naririnig akong cellfone na nagri-ring, ang ringtone nya ay ang theme song ng PBB. Samantalang sa kabilang side naman, may nagpapatugtog ng kanta nila Sam at Say. May mga blogs akong binabasa araw-araw at marami dito eh puro din tungkol sa PBB. Kahit nung pagpunta namin sa bagong St. Francis Tiangge sa likod ng Megamall nung Linggo ay “Pinoy Ako” din ang pinapatugtog.

Oh well, naiintindihan ko rin naman sila. Kasi inaamin ko kahit ako ay napapanood na rin ang PBB. Oo, nahawa na rin ako sa PBB bandwagon. Hindi nga lang ako ganon ka adik kasi may mga araw din na nakakaligtaan ko syang panoorin. At bilang isang manonood, may sarili din akong mga opinyon tungkol sa show at syempre tungkol sa mga housemates. Tulad nalang dun sa huling eviction na naganap noong Sabado. Hindi ako nagdalawang isip na si Chx ang matatanggal. Obvious din naman na out of the 5 nominees eh sya ang may pinaka weak na fan base. Medyo low-profile lng kasi sya sa bahay ni kuya. Tapos kung kelan naman na sya ang naging highlight ng ilang episodes eh puro naman kalandian ang pinakita nya. Eh alam naman natin na dito sa Pilipinas, kahit nasa modern times na tayo eh umiiral parin ang pagka konserbatibo ng Pinoy. At sa lahat ng housemates, sya ata ang may pinaka pangit na image lalong-lalo na ngayong may kumakalat sa internet na mga nude at malalaswang pictures nya. Hindi ko pa alam kung sino ang gusto kong manalo pero kung tungkol naman sa kung sino ang palagay kong mananalo, based on personality and number of fans, si kakosang Franzen ang may lamang sa kanilang lahat. Naipanalo na ni Franzen ang boto ng masa. Sya at si Jason. Marami ang nagsasabing botohing manalo si Franzen dahil sya ang pinaka mahirap at pinaka-nangangailangan ng pera. Ngunit hindi ako sang ayon dito. Dahil lng ba dun eh sya na dapat ang manalo? Ang PBB ay matatawag rin na isang “survival” game. Hindi kasama sa criteria ang financial status ng mga housemates. Kahit sino sa kanila ay may karapatang manalo, mayaman man sya o mahirap. Para sa akin, ang dapat manalo ay yung pinakagaling makisama sa mga ka-housemates nya at ang naging successful sa mga challenges at tasks na binibigay sa kanya. Kaya hindi rin maiwasan ang magka-plastikan sa loob ng bahay dahil nga ito ay isang kompetensya. Lahat sila ay gustong manalo. Kaya nga sila sumali eh. Pero nasa tao parin ang desisyon kung sino ang gusto nilang matira at kung sino ang matatanggal. Kaya diskarte na ng mga housemates yan. The more entertaining they are on tv, the better. Kaya nga ayaw ko pang matanggal si Uma eh. Kasi sya ang nagbibigay ng “spice”. Kung wala sya, boring ang PBB. *hehe* ;)

So I’d say na congrats na rin sa ABS-CBN na naging hit ang PBB. Akala ko talaga dati, magiging flop ang reality show na ito. Pero now, it’s the talk of the town.

Hereos Banner


RELATED POSTS SPONSORS COMMENTS
CSS RSS