Koolbirks




Your Ad Here






Sana Naman – a song for 2007 Elections

by koolitz on May 14, 2007 in News, YouTube - Email This Post Email This Post



SANA NAMAN
Composed by: Louie Ocampo
Lyrics by: Joey Ayala
SUNG BY: Louie and Patricia Ocampo

Panahon na ng pagpili
Panahon na ng halalan
Ang dami namang kandidato
Madaming mukha at pangalan

Sino kaya
Ang bagay sa ating bansa
Hindi lamang porma’t salita
Sino o sino kaya

At sana kahit na sinong manalo
Pagkatapos ng bilingan
Sana naman ang panalo ay taumbayan

Sino kaya’ng mananalo
At magiging totoo
Sa pagnanais ng taong umunlad
Sa daling panahon

Sino man siya
Pag-asa kaya ang dala
Sana naman sana siya’y
Tuwid at tapat sa bansa

At sana kahit na sinong manalo
Pagkatapos ng bilingan
Sana naman ang panalo ay taumbayan

(Lalalala…)

Sana naman
Isipin ang kapakanan ng mga mamayan
Maging gabay sa lipunan

At sana kahit na sinong manalo
Pagkatapos ng bilangan
Sana naman ang panalo ay taumbayan

Sana naman ang panalo ay taumbayan

Hereos Banner


RELATED POSTS SPONSORS COMMENTS
CSS RSS